uhm, simple lang ako, mahilig akong kumanta tsaka mag gitara(lead vocalist nga pala hehe), nagdodrawing din ako (fine arts po ako), adik na adik po ako sa anime(kaya nagcocosplay din ako), daming talento nu hehe, pero di ako kagwapuhan eh, tulad nung mga gusto nyo. pero ito lang ang masasabi ko sa sarili ko, di man ako gwapo, marunong naman ako magpahalaga sa babae. pagtrato ko sa babae? hmm, simple lang, yung hindi sobra, hindi rin kulang, yung sapat lang. yung sapat lang na nalalaan ko ang oras ko para sa kanya. gusto ko kasi kapag may isang bagay na gumugulo sa isipan nya, gusto ko nandun ako para sagutin ang mga katanungan nya. at kapag nilalamig sya ipahihiram ko sa kanya ang jacket ko, hahwakan ko ang mga kamay nya. di ko sya ikukumpara sa ibang babae, dahil gusto ko maramdaman nya na isa syang prinsesa, isang prinsesa sa isang storya ng simpleng lalakeng gaya ko
Profession: graphic artist/guitarist/volunteer